Zamboanga City – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa ikinasang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 9 at Zamboanga City PNP nito lamang Miyerkules, Oktubre 5, 2022
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Van Froilan Tompong, Officer-In-Charge ng Regional Drugs Enforcement Unit 9, ang suspek na si Hamisani Jaani y Ismael alyas “Mamin”, isang High Value Target (HVI), 42, residente ng Brgy. Sinunuc, Zamboanga City.
Ayon kay PLtCol Tompong, bandang 9:20 ng umaga nang nahuli ang suspek sa Hilltop Subdivision, Brgy. Sinunuc, Zamboanga City ng mga operatiba ng Regional Drugs Enforcement Unit 9 at Zamboanga City Police Office – Station 8.
Nakumpiska sa suspek ang isang pirasong heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang timbang na 50 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php340,000, isang pirasong totoong Php1,000 bill na kabilang sa isang bundle na binubuo ng 79 na pirasong Php1000 bill bilang bogus o pekeng pera na ginamit bilang buy-bust money at isang pirasong Marlboro cigarette case.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang PNP ay patuloy na paiigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga at kriminalidad para sa mas mapayapa at ligtas na komunidad.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9