Buguias, Benguet – Inilunsad ang KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ng Benguet PNP sa Bangao, Buguias, Benguet nito lamang Martes, Oktubre 4, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Damian Olsim, Officer-In-Charge, Benguet PPO, katuwang ang Bakun Municipal Police Station na pinamunuan ni Police Captain Douglas Akistoy, Jr., Chief of Police.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga barangay officials, BPAT members, KKDAT representatives, religious sectors, at mga tauhan ng LGUs ng iba’t ibang munisipalidad ng Buguias, Kabayan at Mankayan.
Naging tampok sa aktibidad ang Ceremonial Signing ng Pledge of Commitment at pagkabit ng KASIMBAYANAN pin.
Ang KASIMBAYANAN ay isa sa programa ng Pambansang Pulisya na naglalayong palakasin ang ugnayan at pagkakaisa ng Kapulisan, Simbahan, at Pamayanan na siyang susi upang malabanan ang kriminalidad, insurhensya, at terorismo at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa pamayanan tungo sa kaunlaran.
SOURCE: Bakun Municipal Police Station