Tanay, Rizal – Arestado ng Tanay PNP ang Top 7 Regional Most Wanted Person sa kasong 3 Counts of Qualified Rape sa Brgy. Plaza Aldea, Tanay, Rizal nito lamang Martes, Oktubre 4, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Rodolfo Santiago III, Officer-In-Charge ng Tanay Municipal Police Station, ang suspek na si Francis Abueva Y Lorenzo, 47, may asawa, drayber, residente ng Brgy. Dalig, Antipolo City.
Ayon kay PLtCol Santiago III, bandang 11:40 ng umaga naaresto ang suspek sa nabanggit na barangay ng mga operatiba ng Tanay Municipal Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 3 Counts of Qualified Rape na walang inirekomendang piyansa.
Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at samahan ng mga kapulisan at mamamayan para mapanatiling ligtas, maayos at mapayapa ang komunidad.
Source: Tanay Municipal Police Station
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin