Taguig City – Nagsagawa ng feeding program ang mga tauhan ng 9th Mobile Force Company ng Regional Mobile Force Battalion sa mga residente ng Sitio Pag-asa, Barangay Western Bicutan, Taguig City nito lamang Martes, Oktubre 4, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni PEMS Dennis Aurea, Company ESPO sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Major Roderick A Pacilan, Company Commander at Police Colonel Jonathan G Calixto, Acting Force Commander ng RMFB-NCRPO katuwang si Gng. Babylyn Perillo na leader ng Barangay-Based Advocacy Support Group.
Namahagi ang grupo ng 100 na food packs at face mask sa mga residente ng naturang lugar.
Laking pasasalamat naman ng mga magulang at mga kabataan dahil naabutan sila ng tulong ng ating mga kapulisan.
Ang nasabing aktibidad ay kaugnay sa peace and security framework ni Chief, PNP PGen Rodolfo Azurin Jr na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran, at programa ni PBGen Jonnel Estomo, Acting Regional Director ng NCRPO na SAFE NCRPO o Seen, Appreciated, Felt and extra Ordinary Police Officers.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos