Thursday, December 19, 2024

Valley Cops ginunita ang 121st Police Service Anniversary

Ginunita ng Valley Cops ang 121st Police Service Anniversary sa isang programang naganap sa Camp Marcelo A Adduru, Tuguegarao City, Cagayan nitong Lunes, ika-4 ng Oktubre taong kasalukuyan.

Pinangunahan ang aktibidad ni Police Brigadier General Steve B Ludan, Regional Director ng Police Regional Office 2 na may temang “Matibay na Ugnayan ng Pulisya at Mamamayan tungo sa Pagkakaisa, Kapayapaan at Kaunlaran.”

Naimbitahan bilang panauhing pandangal sa pagdiriwang si Hon. Jose Marie L Diaz, Punong Lungsod ng Ilagan kung saan pinuri niya ang buong hanay ng Police Regional Office 2 sa kanilang hindi matatawarang paghahatid ng serbisyo publiko sa mga mamamayan ng Lambak ng Cagayan.

“Ang aming taos-pusong pasasalamat sa mga kapulisan. Kayo ang nagpanatili sa kapanatagan at katatagan ng ating lipunan. Itinuturing namin kayong mga bayani dahil sa hindi mapantayang serbisyo sa bayan,” ani Mayor Diaz.

Sa naturang aktibidad ay pinarangalan din ang mga miyembro ng Valley Cops na nagpamalas ng mahusay at natatanging pagganap sa kanilang sinumpaang tungkulin.

Samantala, pinuri ni PBGen Ludan ang mga naparangalang miyembro ng Valley Cops sa kanilang mga natatanging gawa. Hinikayat din niya ang lahat ng kapulisan ng PRO2 na gawin silang inspirasyon sa kanilang mga trabaho upang mapanatili at mas mapataas pa ang antas ng serbisyo ng Valley Cops sa bawat Cagayano.

Ipinagdiriwang ang Police Service Anniversary (PSA) tuwing buwan ng Agosto bilang paggunita sa pagkakatatag ng Philippine Constabulary bilang kauna-unahang police force sa bansa na naitatag noong Agosto 8, 1901.

Source: PRO2 PIO

Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,320SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles