Sta. Cruz, Laguna – Tinatayang Php268,500 halaga ng shabu ang nasabat sa isang suspek sa ikinasang PNP buy-bust operation nito lamang Miyerkules, Oktubre 5, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr, Regional Director ng Police Regional Office 4A, ang suspek na si Rainier Alfonso Alvarez, alias “Butot”.
Ayon kay PBGen Nartatez Jr, bandang 12:45 ng tanghali naaresto ang suspek sa Brgy. Sto. Angel Sur, Sta. Cruz, Laguna ng mga operatiba ng Sta Cruz Municipal Police Station.
Narekober sa suspek ang limang pirasong heat-sealed transparent plastic sachets at isang nakataling plastic bag ng hinihinalang shabu na may timbang na 39.5 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php268,500, isang pirasong Php1,000 bill bilang marked money at isang coin purse.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Kapulisan, Simbahan at Pamayanan ay tulong-tulong sa kampanya laban sa ilegal na droga para sa mas ligtas, maayos at tahimik na lalawigan ng Laguna.
Source: Police Regional Office 4A
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin