Tipas, Taguig City — Tinatayang nasa Php714,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa limang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Southern Police District nito lamang Martes, Oktubre 4, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Kirby John B Kraft, Acting District Director ng SPD, ang mga suspek na sina Juvylyn Basco Ramirez alyas “Bente”, 42, HVI-Pusher/Drug Den Maintainer; Tahir Mamasabolod Sumlay, 34, tricycle driver (HVI-Pusher); Bajunaid Candot Yusoph, 43, laborer (HVI-Pusher); Melandro Blancaflor Lazarte, 41, contractor (SLI-User); at Mark Anthony Pulga Alelojo, 40, (SLI-User).
Ayon kay PCol Kraft, naaresto ang limang suspek sa Rohale Steet, Barangay Calzada Tipas, Taguig City bandang 5:25 ng hapon ng mga operatiba ng District Drug Enforcement Unit at District Mobile Force Battalion ng SPD.
Nasamsam sa mga suspek ang anim na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang 105 gramo na nagkakahalaga ng Php714,000, at Php500 na buy-bust money.
Kasong paglabag sa Sections 5, 6, at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga naarestong suspek.
“Ang pagkabuwag ng drug den at pagkahuli ng mga drug personalities ay kinokonsiderang malaking accomplishment ng SPD, kaya’t binabati ko ang ating mga kasamahan. Makaaasa po kayo na patuloy na magpapatibay ang aming hanay sa kampanya laban kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa ating lugar,” ani PCol Kraft.
Source: SPD
Panulat ni PSSg Remelin Gargantos