Puerto Princesa City – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Puerto Princesa City Police Office sa Brgy. Bancao-Bancao, Puerto Princesa City noong Oktubre 4, 2022.
Ayon kay Police Colonel Roberto Bucad, Acting City Director ng PPCPO umabot sa 1,650 mangrove seedlings ang naitanim ng mga grupo sa nasabing barangay.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection, Philippine Coast Guard, PNP Special Action Force, 6th CRG WESCOM, Kabataan Kontra Droga at Terorismo Puerto Princesa City Chapter, City Environment Resource Office, Barangay Peacekeeping Action Team, at mga baranggay officials.
![](https://i0.wp.com/psbalita.com/wp-content/uploads/2022/10/309692588_1163909137812626_2019544359726710610_n.jpg?resize=696%2C509&ssl=1)
Layunin ng aktibidad na magbigay ng kamalayan sa publiko sa kahalagahan ng pagtatanim para sa pagsasaayos ng kalikasan at pagpapanatili ng kagandahan ng kapaligiran.
Source: Puerto Princesa City Police Office
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus