Camarines Norte – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng Paracale PNP sa Sitio Langing, Barangay Bagumbayan, Paracale, Camarines Norte nitong Martes Oktubre 4, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinangunahan ni Police Major Fernand V Segundo, Acting Chief of Police, katuwang ang One CamNorteños Eagles Club.
Ang grupo ay namahagi ng food packs, tsinelas at nagsagawa ng feeding program sa nasabing barangay.
Ang nasabing aktibidad ay may kaugnay sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si Police General Rodolfo S Azurin Jr, na MKK=K o Malasakit, Kaayusan, Kapayaan tungo sa Kaunlaran na naglalayong mas mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad para sa mas ligtas at maayos na pamayanan.
Source: Paracale MPS
Panulat ni Pat Jomar Danao