Davao Oriental – Arestado ang isang lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng PNP at PDEA sa Purok Binangga, Barangay Tamisan, Mati City, Davao Oriental, noong Oktubre 1, 2022.
Kinilala ni PLtCol Ernesto Gregore, Chief of Police ng Mati City Police Station, ang suspek na si alyas “Ramil”, 40, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 10 High Value Individual sa regional level.
Ayon kay PLtCol Gregore, naaresto ang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang tauhan ng Mati CPS at Regional Intelligence Division Provincial Intelligence Team katuwang ang PDEA Davao Oriental.
Dagdag pa ni PLtCol Gregore, nakuha mula sa suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit kumulang na 5 gramo na may street market value na Php34,000 at marked money na ginamit sa operasyon.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng patuloy na pagsisikap ng Police Regional Office 11 sa kanilang layunin na gawing drug-free ang rehiyon onse sa tulong at malasakit ng mamamayan na magreresulta sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara