Antipolo City, Rizal – Tinatayang Php136,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang Street Level Individual (SLI) sa isinagawang buy-bust operation ng Antipolo City PNP nito lamang Biyernes, Setyembre 30, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel June Paolo Abrazado, Provincial Director, Rizal Police Provincial Office, ang suspek na si Ronel Dorol Y Cristo alyas “Nonoy”, 33, tricycle driver, residente ng Sitio Pulong Banal, Brgy. San Jose, Antipolo City.
Ayon kay PLtCol Abrazado, bandang 7:06 ng gabi naaresto ang suspek sa Pedracio St, Sitio Kaytinaga, Brgy. Dalig, Antipolo City, Rizal ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Team ng Antipolo City Police Station.
Narekober sa suspek ang pitong pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na 20 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php136,000, isang itim na coin purse, isang pirasong Php500 bill bilang buy-bust money at isang black/red Mitsukoshi Bonus 110 SYM motorcycle na walang plate number.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ipagpapatuloy ng Rizal PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga upang hindi mapariwara ang buhay ng mga kabataan at mas maging ligtas, maayos at tahimik ang lalawigan ng Rizal.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin