Surigao City – Isinagawa ng Surigao del Norte PNP Community-Based Drug Rehabilitation Program Orientation (CBDRP) sa Surigao City nito lamang Huwebes, Setyembre 29, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan nina Police Lieutenant Colonel Tessiel Moleta, Chief, Provincial Community Affairs and Development Unit at Police Executive Master Sergeant Mary Mardonie Paster, Community Affairs and Development Police Non-Commissioned Officer ng Surigao City Police Station.
Sinuportahan din ito ni Gng. Giovanni Dunque ng Department of Health-Treatment and Rehab Center katuwang ang mga punong barangay, kagawad, secretary, tanod at Barangay Anti-Drug Abuse Council (BADAC) ng Brgy. Mabini, Serna at Togbongon.
Layunin ng aktibidad na malaman kung paano mas maging epektibo ang drug clearing program at matulungan ng iba’t ibang stakeholders ang mga Person/s Who Used Drugs (PWUDs) hanggang sa makapagtapos ng CBDRP.
Patuloy naman ang pagtutulungan ng PNP at iba’t ibang stakeholders upang masugpo ang ilegal na droga na dahilan ng pagkakasira ng magandang kinabukasan ng ating mga kabataan.
Panulat ni Patrolman Jhunel Cadapan/ RPCADU13