Poblacion, Guihulngan City – Nagsagawa ang mga tauhan ng Guihulngan City PNP ng Coastal Clean-up Drive sa Sitio Bucana, Barangay Poblacion, Guihulngan City nito lamang umaga ng Huwebes, ika-29 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Guihulngan City Police Station sa pangangasiwa ni Police Lieutenant Colonel Romeo G Cubo, Officer-In-Charge, kasama ang mga opisyal ng Barangay Poblacion, Parole and Probation Officer, Guihulngan City Public Information Office, at iba’t ibang mga volunteers sa naturang lugar.
Sa pagkakaisa ng mga naturang grupo ay matagumpay na nalinis ng mga ito ang baybayin at nagawang bigyang katuparan ang layunin ng aktibidad na maisaayos at mapanatili ang kagandahan ng kapaligiran.
Hinihikayat ng Guihulngan City PNP ang mga mamamayan na patuloy na pangalagaan at protektahan ang kalikasan upang mapanatili ang kalinisan, kagandahan at kaayusan ng kapaligiran.