Pili, Camarines Sur – Pormal na inilunsad ng Police Regional Office 5 (PRO5) ang Project T.A.N.G.L.A.W. o ang Tabang sa Aking Nangangaipo, Ginhawa asing Liwanag Ang maitatao para Wakasan ang pagtios, giya sa pag-asenso na ginanap sa Capitol Convention Center, Barangay Cadlan, Pili, Camarines Sur nito lamang Setyembre 28, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni PCol Liane M Van Develde, Chief, Regional Community Affairs and Development Division (RCADD) sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Rudolph B Dimas, Regional Director ng PRO5.
Ang nasabing proyekto ay naglalayong makatulong sa mga pamilyang higit na nangangailangan upang mabigyan sila ng pag-asa sa pag-abot ng kani-kanilang pangarap sa buhay at magkaroon ng magandang kinabukasan.
Nasa kabuuang 53 benepisyaryo ng nasabing proyekto ang nakatanggap ng libreng school supplies, uniporme at miscellaneous fees.
Ang proyektong ito ay nakaangkla sa programa ng Hepe ng Pambansang Pulisya na si PGen Rodolfo S Azurin, Jr na MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan tungo sa Kaunlaran.
Ito rin ay inisyatibong proyekto ni PBGen Dimas sa kanyang mga programa bilang Regional Director na matulungan ang mga kabataan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral at mas mapabuti ang buhay ng ating mga kababayan.