Adams, Ilocos Norte – Arestado ng PNP ang Top 1 Provincial Most Wanted Person sa kasong 2 Counts of Rape sa Barangay Poblacion 1, Adams, Ilocos Norte nito lamang Setyembre 28, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Rogeline O Ibe, Chief of Police ng Adams MPS, ang suspek na si Noel Agramon y Agoo, 51, nakatira sa Brgy. Quibel, Dumalneg, Ilocos Norte.
Ayon kay PLt Ibe, bandang 06:52 ng umaga naaresto ang suspek ng mga operatiba ng Adams MPS, Provincial Intelligence Unit Ilocos Norte PPO, 2nd Provincial Mobile Force Company Ilocos Norte PPO.
Ayon pa kay PLt Ibe, si Agoo ay naaresto sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 2 Counts of Rape in Relation to Art. 266 (1) (D) of the RPC as amended by RA 8353 at walang rekomendadong piyansa.
Ang tagumpay ng operasyon ay bunga ng magandang ugnayan at samahan ng mga kapulisan at mga mamamayan para mapanatiling ligtas ang komunidad.
Source: Adams, Municipal Police Station, Ilocos Norte
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal