Lubuagan, Kalinga – Nagsagawa ng Medical, Dental at Outreach Program ang Kalinga Police Provincial Office sa Sitio Latawan, Brgy. Uma, Lubuagan, Kalinga nito lamang Martes, Setyembre 27, 2022.
Katuwang sa aktibidad ang mga tauhan ng Provincial Community Affairs and Development Unit (PCADU), 1st at 2nd Kalinga Provincial Mobile Force Company, at Provincial Medical and Dental Unit (PMDU) kasama ang Provincial Local Government Unit, line agencies, at iba pang pribadong sectors.
Nagkaroon ng libreng medikal at dental na konsultasyon, pagbunot ng ngipin, pagtutuli, libreng gupit, pagbabakuna sa COVID-19, pamamahagi ng mga libreng gamot, at iba pang serbisyong pangkalusugan sa 500 na benepisyaryo.
Namahagi naman ng Information Dissemination, Education and Communication (IEC) materials tungkol sa Anti-terrorism at Anti-Illegal Drugs para iparating sa publiko ang mensahe sa kampanya ng gobyerno, at namahagi ng calling cards na naglalaman ng iba’t ibang numero ng emergency hotlines ng mga istasyon at yunit ng Kalinga PNP.
Patuloy ang Pambansang Pulisya sa pagpapaigting ng ugnayan sa mamamayan tungo sa payapa, tahimik at maunlad na pamayanan.
Source: Kalinga Police Provincial Office