Mahigit kumulang 1,150 gramo ng hinihinalang shabu na mayroong drug price standard na Php7,800,000 ang nasamsam sa ikinasang drug buy-bust operation ng Regional Police Drug Enforcement Unit 5 at ng Nabua MPS sa Brgy. Sta. Elena, Nabua, Camarines Sur nitong Lunes, Nobyembre 15, 2021 dakong alas tres ng madaling araw mula sa suspek na si Bienvenido Dinsing Jr y Laurena, nasa hustong gulang, may asawa, at residente ng Brgy. Tambo, Pamplona, Camarines Sur.
Nakabili umano ng 150 gramo ng pinaghihinalaang shabu ang poseur buyer ng PNP na may katumbas na halagang Php450,000. Matapos ang palitan ng bayad at ng droga ay nakaramdam umano ng pagdududa ang suspek na isang patibong ang transaksyon kaya agad nitong binunot ang kanyang 9mm pistol at pinaputukan ang kapulisan na napilitang gumanti ng putok upang dispensahan ang kanilang sarili. Tinamaan si Dinsing sa kanyang katawan na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Bago ang buy-bust operation, nagsagawa ng masusing imbestigasyon at surveillance ang ating mga kapulisan katuwang ang PDEA RO5 upang matiyak ang impormasyon.
Ang mga lugar ng Naga City, Camarines Sur, Legazpi at Tabaco ang madalas umano nitong sinusuplayan ng droga. Dagdag pa dito, si Dinsing ay dati ng naaresto sa parehong kaso ngunit nakalaya sa bisa ng plea bargaining.
Ang pamunuan ng Police Regional Office 5 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Jonnel C Estomo, RD, PRO5 ay nagpatupad ng mas agresibong kampanya kontra iligal na droga bilang bahagi ng patuloy na programa ng PNP.
Source: RPIO5
#####
Panulat ni: Patrolwoman Shiear “Kye” V Ignacio
Good job
Salamat sa Pambansang Pulisya. Good Job