Saturday, December 21, 2024

2 suspek sa kasong Slight Physical Injury, arestado sa paliparan

NAIA Terminal 3 – Arestado ang dalawang lalaki dahil sa kasong Slight Physical Injury sa isinagawang Manhunt Charlie Operation ng PNP Aviation Security Unit NCR at AVSEGROUP Intelligence and Counter Terrorism Division sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Arrival Area, Terminal 3, Pasay City nito lamang gabi ng Lunes, Setyembre 26, 2022.

Kinilala ni PCol Anthony Abellada Aberin, Acting Director, AVSEGROUP, ang suspek na sina Adrian Baluyot Viray, 48, kasal at Kahlil Viray, 20, binata, parehong negosyante at residente ng Lot 1569 Otero Ave., Mabayuan, Olongapo City, Zambales, na pareho ring pasahero ng Emirates Airline flight EK 334 galing Dubai.

Ayon kay PCol Aberin, ang dalawang suspek ay bigong magpakita ng anumang kopya ng kanilang Order of Release mula sa court of origin nito para sa kasong Slight Physical Injury na may inirekomendang piyansa na Php2,000 na naging dahilan upang ipatupad ang pag-aresto sa dalawa.

Ipinaalam sa mga naaresto ang kanilang mga konstitusyonal na karapatan sa wikang kanilang naiintindihan. Bukod pa dito, gumamit naman ang awtoridad ng Alternative Recording Device (ARD) habang isinasagawa ang nasabing operasyon, alinsunod sa mga patakaran sa paggamit ng body worn camera.

Ang mga naarestong suspek ay dinala sa AVSEU NCR Headquarters para sa pansamantalang kustodiya at dokumentasyon bago ibalik ang Warrant of Arrest sa court of origin nito.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,320SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles