San Mateo, Rizal – Tinatayang Php1,632,000 halaga ng shabu ang nasabat sa isang High Value Individual (HVI) at dalawa pang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Rizal PNP nito lamang Sabado, Setyembre 24, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Dominic Baccay, Provincial Director, Rizal Police Provincial Office, ang mga naarestong suspek na sina Joana Babasa y Cielo Aka Joana, 42, may live-in partner, mananahi, HVI; Ana Mae Oliva y Babasa Aka Mae, 22, walang asawa, walang trabaho; pawang mga residente ng No. 6, Road 2, Rafaela 2, Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal at Neavie Guzman y Babasa Aka Neavie, 21, walang asawa, estudyante, residente ng No. 31, Rosal St, Vista Hermosa Subdivision, Brgy. Gulod Malaya, San Mateo, Rizal.
Ayon kay PCol Baccay, bandang 2:45 ng hapon naaresto ang mga suspek sa #6 Road 2 Rafaela 2, Brgy. Ampid 1, San Mateo, Rizal ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Unit/PNP Drug Enforcement Unit ng Rizal PPO, Philippine Drug Enforcement Agency 4A at San Mateo Police Station.
Nakumpiska sa mga suspek ang dalawang nakataling plastic bag at anim na pirasong heat-sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na humigit kumulang 240 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php1,632,000, isang itim na sling bag, isang pirasong Php1,000 bill na may Serial no. HT457531, siyam na pirasong Php1,000 na ginamit bilang buy-bust money at Php1,150 na may iba’t ibang halaga.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy na paiigtingin ng Rizal PNP ang kampanya laban sa ilegal na droga para mapanagot sa batas ang mga HVI/pushers at mapanatiling ligtas, tahimik at maayos ang komunidad.
Source: Rizal Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin