Isang (1) wanted na mahigit 15 taong nagtago sa batas ang nadakip sa ikinasang manhunt operation ng otoridad sa Malolos, Bulacan noong Nobyembre 14, 2021.
Pinapurihan ni PBGen Matthew P Baccay, Regional Director, ang pagkakaaresto sa isang (1) Top Most Wanted sa isinagawang manhunt operation ng pinagsanib pwersa ng Regional Intelligence Unit 4A, RIU3, Malolos CPS, PIU, Bulacan, 1st PMFC, Bulacan PPO, Balagtas MPS, Delta Company 70th IB, at 7th ID PA sa Purok 4, Brgy. Mabolo, City of Malolos, Bulacan.
Kinilala ang suspek na si Maria Salome Crisostomo y Karasig, 64 taong gulang, national coordinator ng Philippines Against Child Trafficking (PACT), at kasalukuyang nakatira sa Lucero St. Brgy. Mabolo, City of Malolos, Bulacan.
Si Crisostomo ay may nakabinbin na kasong Rebellion sa RTC Branch 59 sa Lucena City at walang nirerekomendang piyansa.
#####
Panulat ni: Patrolwoman Maria Elena S Delos Santos
Salamat sa ating kapulisan.. mabuhay po kayo
Salute to PNP