Talisayan, Misamis Oriental – Tinatayang Php330,000 halaga ng Falcata Lumber ang nasabat ng mga tauhan ng Regional Mobile Force Battalion 10 sa isinagawang One Time Big Time (OTBT) Checkpoint Operation sa P-4, Punta Santiago, Talisayan, Misamis Oriental nito lamang Biyernes, Setyembre 23, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Fermin Armendarez, III, kinilala ang truck driver na si Richan Tomampo Loja, 28, residente ng Brgy. Bobontugan, Jasaan, Misamis Oriental.
Dagdag pa ni PLtCol Armendarez, bandang 5:30 ng hapon habang nagsasagawa ng OTBT Checkpoint Operation ang RMFB 10 sa nabanggit na lugar sa pangunguna ni Police Captain Arnold Formento nang pinara ang kulay pulang container van na may Plate No. UDO 581 papuntang Cagayan de Oro City at nasabat ang 22,000 Board Feet ng Falcata Lumber na tinatayang nagkakahalaga ng Php300,000 at walang maipakitang permit to transport ang naturang driver.
Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Section 77, Violation of Presidential Decree 705 o The Revised Forestry Code of the Philippines.
Patuloy ang RMFB 10 sa pagpapatupad ng operasyon laban sa mga ilegal na gawain tungo sa isang mapayapa, tahimik at maunlad na pamayanan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10