Tabuk City, Kalinga – Arestado ang dalawang menor-de-edad ng Tabuk PNP matapos mahulihan ng droga at replika ng baril sa Tabuk City National High School (TCNHS), Brgy. Dagupan Centro, Tabuk City, Kalinga nito lamang Setyembre 22, 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Dinulong Tombali, Chief of Police ng Tabuk City Police Station, habang nagpapatrolya ang kanyang mga tauhan ay nakatanggap ng tawag mula sa mga “Cops on the School” sa nasabing paaralan na nanghihingi ng agarang tulong dahil sa komosyon na nagaganap sa pagitan ng ilang kabataan at estudyante ng Tabuk City National High School.
Ayon pa kay PLtCol Tombali, naabutan ng pulisya ang komosyon at inawat ang mga kabataan at estudyante kung saan dalawang kabataan ang inaresto matapos mahulihan ng dalawang metal ng short replica of firearms (airsoft), dalawang improvised tooter with residue (cigarette foil) at 0.05 gramo ng pinaghihinalaang marijuana.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act ang dalawang menor-de-edad.
Ang Tabuk PNP ay patuloy na paiigtingin ang police visibility upang mapigilan at maproteksyunan ang mga mamamayan ng lungsod kontra kriminalidad at terorismo.
Source: Tabuk City Police Station