Valenzuela City — Arestado ang tatlong empleyado dahil sa pagnanakaw ng tinatayang Php292,700 halaga ng sliding at awning windows sa isang warehouse sa Barangay Paso De Blas, Valenzuela City ng Valenzuela City Police Station nito lamang Miyerkules, Setyembre 21, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ponce Rogelio I Peñones, Acting District Director ng NPD, ang mga suspek na sina Marivic Manaog, 29, office staff, residente ng Barangay Paso De Blas; Mark Dorenn Alcomendras Ortega, 30, supervisor, residente ng Barangay Gen. T. De Leon; at Ferdinand Pletchetero, 31, production staff, residente naman ng Barangay Bignay ng Valenzuela City at mga empleyado ng window company.
Ayon kay PCol Peñones, nahuli ni Daisy, staff din sa naturang window company, si Pletchetero na naglalabas ng limang pirasong sliding windows na may screen. Agad niyang tinanong ang kanilang manager kung siya ay nagbigay ng utos na ilabas ang mga sliding windows ngunit itinanggi ito ng manager. Dito na itinuro ni Pletchetero si Marivic at ang kanilang supervisor na si Ortega.
Agad namang humingi ng tulong ang staff, kasama ang general manager ng kumpanya sa mga pulis mula sa Sub-station 1 na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek.
Agad na rumisponde ang mga pulis at nagtungo sa bahay ni Manaog at doon narekober nila ang mga ninakaw na bintana na 79 piraso na sliding windows na may screen at 43 piraso ng awning clear glass windows.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong Qualified Theft.
Sinisiguro naman ng NPD na di palalampasin ang ganitong mga insidente ng pagnanakaw at agad silang pananagutin sa batas para hindi na makapangbiktima ng pa ng iba pa.
Source: Valenzuela City Police Station
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos