Quezon City — Arestado ang isang High Value Individual at isa pang kasama nito sa isinagawang buy-bust operation ng Quezon City Police District nito lamang Huwebes, Setyembre 22, 2022.
Kinilala ni PBGen Jonnel C Estomo, Acting Regional Director ng NCRPO, ang mga suspek na sina Leog Paulin Israel y Bautista, 22, High Value Individual (HVI), Regional Priority Target; at Christopher De mesa y Corro, 23.
Ayon kay PBGen Estomo, bandang 9:36 ng gabi nang maaresto ang mga suspek sa kahabaan ng No. 81 Abra Lagoon, Brgy. Ramon Magsaysay, Quezon City sa pinagsanib puwersa ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) Project 6 Station 15 ng QCPD at PDEA.
Narekober sa kanila ang isang ladrilyo, tatlong medium ziplock transparent plastic sachet na naglalaman ng mga pinatuyong dahon ng pinaghihinalaang marijuana na tumitimbang ng humigit kumulang 650 gramo at tinatayang Php78,000 ang halaga, isang Php1,000 buy-bust money, at isang sling bag na kulay Black/Violet.
Sinampahan ng paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sina Israel at De Mesa.
Pinuri naman ni PBGen Estomo ang mga operatiba sa kanilang operasyon, aniya, “Gusto kong kilalanin ang pagsisikap ng mga operatiba ng Quezon City Police District para sa matagumpay na pagsasagawa ng buy-bust operation na humantong sa pagkakaaresto sa isang high value na indibidwal. Ang aming patuloy na pagsisikap na labanan ang ilegal na droga ay nagpapakita kung gaano kami kaseryoso sa pagpuksa sa lahat ng kriminal at labag sa batas na aktibidad dito sa Metro Manila.”
Ang nahuling HVI ay bumawas sa listahan ng PNP na mga priority target, dahil sa tuloy-tuloy na pagkakahuli ng mga ito, nakatitiyak ang mga taga-Metro Manila na ang malasakit para sa kanilang kaligtasan ay patuloy na ipaparamdam ng kapulisan nang sa gayo’y makamtan nila ang kaayusan at kapayapaan, at higit sa lahat matamasa ang kanilang minimithing kaunlaran.
Source: PIO NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos