Cagayan de Oro City – Tinatayang Php340,000 halaga ng shabu ang nasabat sa 34-anyos na lalaki sa isinagawang buy-bust operation ng Regional Drug Enforcement Unit 10 nitong Miyerkules, Setyembre 21, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si Aldwin K. Enterina, 34, residente ng Piaping Puti, Macabalan, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PBGen Coop, naaresto ang suspek sa Piaping Puti, Macabalan, Cagayan de Oro City ng mga operatiba ng Regional Drug Enforcement Unit 10.
Narekober sa suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 50 gramo na nagkakahalaga ng Php340,000 at isang mobile phone.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sections 5 at 11, Article ll ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“I commend the operating units for apprehending the drug suspect. After all, we always want to keep people safe inside and outside of their homes, and to make it happen I ask the community to support the government in the fight against all forms of criminality. Tulong-tulong tayo para ating makamit ang kapayapaan at kaayusan dito sa Northern Mindanao,” pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU 10