Mandaon, Masbate – Pinagkalooban ng Scholarship Program ang dalawang anak ng Former Rebels ng Masbate 1st Provincial Mobile Force Company sa pamamagitan ng Project A.B.T.I.K. o ang “Ating mga Batang mag-aaral Tulungan makamtan Inaasam na Karunungan” na ginanap sa Barangay San Juan, Mandaon, Masbate nito lamang Martes, Setyembre 20, 2022.
Ang nasabing programa ay naisakatuparan sa pangunguna ni Police Lieutenant Colonel Norlando F. Mesa, Force Commander alinsunod sa Project T.A.N.G.L.A.W. ng Police Regional Office 5 (PRO5) sa pakikipagtulungan ng Advisory Group ng nasabing yunit.
Hinandugan ang dalawang bata ng Scholarship Assistance hanggang sa makapagtapos sila ng kanilang pag-aaral at binigyan din sila ng school supplies at hygiene kit.
Ito ay isa lamang sa hakbang na ginagawa ng PNP sa mga anak ng dating rebelde upang magkaroon sila ng matiwasay, maayos at magandang buhay na malayo sa karahasan at kaguluhan.
Source: Masbatefirst PMFC