Victorias City, Negros Occidental – Naglunsad ang pamunuan ng Victorias City Police Station ng “Asenso hindi Terorismo Campaign” para sa mga mag-aaral ng Barangay Estado National High School sa Victorias City, Negros Occidental nitong Setyembre 19, 2022.
Pinangunahan ang nasabing kampanya ni Police Lieutenant Colonel Roy Rodrigo B Gutierres, Officer-In-Charge ng Victorias CPS kasama ang mga tauhan ng 605th Mobile Company, Regional Mobile Force Battalion 6.
Ang programa ay bahagi sa PNP peace and security framework na Malasakit at Kapayapaan, na may layuning patuloy na protektahan ang kabataan laban sa kapahamakan na maaaring maidulot sakaling mabiktima sila o marecruit ng mga rebeldeng organisasyon.
Kabilang din sa mga layunin ng aktibidad na mas paigtingin pa ang Community Anti-Terrorism Awareness (CATA) hindi lamang sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa lahat ng residente sa buong lungsod.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy na magpapatupad ng mga programa at inisyatibong magbibigay proteksyon sa bawat kabataan laban sa terorismo, ilegal na droga at iba pang uri ng krimen.