San Remegio, Cebu – Nagsagawa ang mga miyembro ng 701st Maneuver Company ng RMFB 7 ng Mangrove Tree Planting at Coastal Clean-Up Drive nito lamang Linggo, Setyembre 18, 2022 sa Brgy. Tambongan, San Remegio, Cebu.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Captain Gerald D Casalme, 701st MC Company Commander, katuwang ang mga kawani ng Local Government Unit ng San Remegio, mga pamunuan at residente ng barangay at ng iba pang ahensya ng pamahalaan kabilang na ng Philippine Army at BFP.
Mula sa naturang aktibidad ay nakapagtanim ang grupo ng 700 na piraso ng halamang mangrove o propagules. Sa kabilang banda ay nakakalap din ang grupo ng ilang sako ng iba’t ibang uri ng mga basura.
Ayon kay Police Captain Casalme, hangarin ng naturang aktibidad na mapanatili ang kalinisan at kaayusan ng kapaligiran at nang mabigyan ng maayos at ligtas na tirahan ang bawat buhay sa kalikasan.
Kasabay ng tagumpay na nakamit sa nasabing aktibidad ay hinikayat ng mga nakiisa sa programa ang publiko na ipagpatuloy ang nasimulan na adhikain para yumabong at umunlad ang ating kalikasan. Maaasahan ng publiko na ang ating mga kapulisan ay handang ipadama ang tunay na malasakit at bigyan ng kaayusan ang ating komunidad.