Quezon, Isabela – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga miyembro ng NAALIBTAK (Natatanging Alagad ng Batas Lupon sa Inang Bayan Tungo sa Kapayapaan) Class 45 sa Barangay Mangga, Quezon, Isabela noong ika-17 ng Setyembre 2022.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Nelson Z Vallejo, Officer-In-Charge ng Regional Special and Training Unit 2, mahigit 120 na indibidwal ang nahandugan ng naturang klase.
Nakatanggap ng food packs at bagong pares ng tsinelas ang mga naging benepisyaryo na kabilang sa mga kapus-palad nating kababayan.
Maliban dito, nagkaroon din ng feeding program at libreng gupit.
Dagdag pa dito, kinausap at hinikayat ang mga residente na makiisa sa mga programa ng Kapulisan upang mapanatili ang kapayapaan sa kanilang Barangay.
Ang aktibidad ay kaugnay sa security framework ng Chief, Philippine National Police, Police General Rodolfo Azurin Jr., na tinaguriang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan= Kaunlaran.
Source: RSTU 2
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi