Nakiisa ang Cagayano Cops sa Simultaneous International Coastal Clean-Up Annual Celebration na naganap sa iba’t ibang lugar sa buong probinsya ng Cagayan nitong Sabado, Setyembre 17, 2022.
Pinangunahan ang aktibidad ng Department of Environment and Natural Resources 2 (DENR) at aktibong nilahukan ng Cagayan PNP, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, LGU, pamayanan, mga organisasyon ng lipunang sibiko, akademya, mga kabataan at mga grupong panrelihiyon.
Layunin ng programa na himukin ang komunidad, gobyerno, at simbahan na magkaisa sa pangangalaga at pagprotekta sa kalikasan.
Ang naturang aktibidad ay parte ng Clean and Green CPPO Dream na siyang isa sa panguhahing programa ng Cagayan Police Provincial Office na nakasentro sa pangangalaga sa kapaligiran at sumasalamin sa PNP Core Value na makakalikasan.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Mary Joy D Reyes