Davao Oriental – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng Boston PNP sa Purok Durian, Brgy. Carmen, Boston, Davao Oriental, noong Setyembre 18, 2022.
Kinilala ni PLt Jerome Bueno, Acting Chief of Police ng Boston Police Station, ang suspek na si alyas “Alvino”, 27, residente ng nasabing lugar na tinaguriang Top 1 Municipal Most Wanted Person at Top 8 naman sa Provincial level.
Ayon kay PLt Bueno, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng tauhan ng Boston PS kasama ang 1st Davao Oriental Provincial Mobile Force Company at Davao Oriental Police Provincial Office katuwang ang Provincial Intelligence Unit at 1103rd Regional Mobile Force Battalion 11.
Dagdag pa ni PLt Bueno, inaresto ang suspek sa kasong Rape in relation to R.A. 7610 na walang piyansang inirekomenda at Acts of Lasciviousness in relation to R.A. 7610 na may piyansang inirekomenda na Php170,000.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng magandang ugnayan at pagmamalasakit ng mamamayan sa komunidad na magdadala sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara