Cagayan de Oro City – Tinatayang Php578,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang senior citizen sa isinagawang buy-bust operation ng Cagayan de Oro City PNP nito lamang Sabado, Setyembre 17, 2022.
Kinilala ni Police Brigadier General Lawrence Coop, Regional Director ng Police Regional Office 10, ang suspek na si Marilou A. Gerong alyas “Dora”, 63 at residente ng Zone 6, Zayas, Barangay Carmen, Cagayan de Oro City.
Ayon kay PBGen Coop, dakong 8:00 ng gabi naaresto ang suspek sa Zone 6 Zayas, Brgy. Carmen, Cagayan de Oro City ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Cagayan de Oro City Police Office-Station 8.
Nakumpiska sa suspek ang pitong pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 85 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php578,000 at isang pirasong Php500 bill na ginamit bilang buy-bust money.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
“It’s sad to think that even a senior citizen would do something illegal. I do not know what’s her reason, but even so, using or selling illegal drugs will not help you have a good life. Even if life gets hard, selling illegal drugs should not be an option. Life is too beautiful to be wasted on illegal drugs” pahayag ni PBGen Coop.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10