Angeles City, Pampanga- Pinasara ng Department of Interior and Local Government at ng PNP Anti- Kidnapping Group ang isang establisyimento ng Philippine Offshore Gaming Operators o POGO sa Angeles City, Pampanga nito lamang Sabado, Setyembre 17, 2022.
Ang pinasarang estalisyimento ay ang Lucky South 99 Outsourcing, Inc., kung saan narescue ang isang Chinese national na biktima ng kidnapping at ang 42 pang mga indibidwal na pinaniniwalaang sapilitang pinagtatrabaho sa kompanya.
Pinangunahan mismo ni DILG Secretary Benhur Abalos ang pagpapasara sa nasabing establisyimento.
Samantala, tiniyak naman ni Secretary Abalos sa mga biktima na dadaan ang mga ito sa legal na proseso sa pamamagitan ng Bureau of Immigration upang maiwasan ang parehong mga insidente.
Kasalukuyan namang pinaiigting pa ng DILG, Philippine National Police, Philippine Amusement and Gaming Corporation, Department of Justice, at ng National Bureau of Investigation ang pagsasagawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang publiko sa mga krimeng may kaugnayan sa kidnapping partikular na sa mga POGOs sa buong bansa.
Hinikayat naman ni Secretary Abalos ang lahat na makipagtulungan sa mga awtoridad sakaling may natunugang ilegal na aktibidad sa kani-kanilang mga lugar.
Photo Courtesy: PTV