Bauko, Mt. Province – Nakiisa ang mga tauhan ng Bauko Municipal Police Station sa isinagawang National Simultaneous Tree Planting Activity sa Sitio Tanap, Leseb, Bauko, Mt. Province nito lamang Biyernes, Setyembre 16, 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Local Government Unit- Bauko katuwang ang mga tauhan ng Bauko Municipal Police Station sa pangunguna ni Police Lieutenant Rogelio Culoy Jr. sa ilalim ng pamumuno ni Police Major Efren Cogasi, Acting Chief of Police, Mt. Province 1st Provincial Mobile Force Company (PMFC), Bureau of Fire Protection-Bauko, Philippine Army, Non-Government Organization (NGOs) at Barangay Officials.
Ang aktibidad ay alinsunod sa pagdiriwang ng ika-122nd Anniversary ng Philippine Civil Service Commission na may temang: “Buhayin ang Pangangalaga sa Kalikasan”.
Nakapagtanim ng 500 binhi ng pine tree na mula sa donasyon ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO).
Layunin ng aktibidad ang patuloy na pangangalaga at proteksyon sa kalikasan katuwang ang pulisya at ang komunidad.
Source: Bauko Municipal Police Station