Kalamansig, Sultan Kudarat – Nagsagawa ang mga tauhan ng Kalamansig PNP ng Community Outreach Program sa Sitio Dakel Kayo, Brgy. Hinalaan, Kalamansig, Sultan Kudarat nito lamang Setyembre 15, 2022.
Ang isinagawang Community Outreach Program ay tinaguriang “Retooled Community Support Program (RCSP) na pinangunahan ni Police Major Heilbronn G Okoren, Chief of Police ng Kalamansig Municipal Police Station kasama ang Charlie Coy 37th Infantry Battalion, Philippine Army, LGU-Kalamansig, Advocacy Support Groups at iba pang mga pribadong sektor.
Nakatanggap naman ang mga residente kabilang ang mga kabataan ng Dulungan Manobo Community ng mga food packs, hygiene kits, samu’t saring meryenda, damit, facemasks, leaflet at libreng gupit.
Lubos ring ikinasaya ng mga kabataan ang idinaos na parlor games sa kanilang lugar.
Sa kabilang banda, napamahagian rin ang mga magsasaka ng pesticides mula sa Department of Agriculture habang ang iba ay nakikinabang naman sa libreng pagproseso ng kanilang birth registration, marriage certificate, at National ID at pagbabakuna.
Nagkaroon rin ng maikling talakayan sa pagitan ng PNP at mga magulang patungkol sa mga programa ng PNP at mga batas na kumakalinga sa mga karapatan ng mga bata.
Nagpaabot naman ng pasasalamat ang natitirang Sultan ng Manobo Dulungan na si Sama Mlok mula sa mga lingkod ng bayan na naghatid ng serbisyo sa kanilang malayong lugar. Dagdag pa nito na susuportahan ang lahat ng program ng pamahalaan tungo sa kaayusan at katahimikan ng kanilang komunidad.
Source: Kalamansig Municipal Police Station – PRO12
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin