Laurel, Batangas – Arestado ang isang kagawad sa kasong paglabag sa RA 10591 at RA 9516 sa search warrant operation ng Batangas PNP pagkatapos makuha sa kaniyang pag-iingat ang baril at granada na walang maipakitang mga dokumento nito lamang Biyernes, Setyembre 16, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Pedro Soliba, Officer-In-Charge, Batangas Police Provincial Office, ang suspek na si Rennel Canta y Villanueva, 44, may asawa, Brgy. Kagawad at residente ng Brgy. San Ticub, Laurel, Batangas.
Ayon kay PCol Soliba, bandang 8:03 ng umaga naaresto ang suspek sa kanyang tahanan ng pinagsanib na puwersa ng Provincial Intelligence Unit Batangas PPO at Laurel Municipal Police Station.
Narekober mula sa suspek ang isang black sling bag, isang cal. 38 revolver na walang serial number, apat na bala ng cal. 38 revolver, isang hand grenade, isang black sling bag, isang transparent plastic sachet na naglalaman ng siyam na basyong bala ng 9mm, isang 9mm Taurus Pistol, isang magazine ng Cal. 9mm na naglalaman ng 13 bala ng cal. 9mm at isang magazine ng cal. 9mm na naglalaman ng 15 bala ng cal. 9mm.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 10591 o Qualified Unlawful Possession of Small Arms and Ammunitions at RA 9516 o Illegal Possession of Explosive.
“Ang kapulisan dito sa Batangas ay nakatuon at determinadong panatilihin ang kapayapaan at kaayusan ng ating komunidad sa pamamagitan ng paggawa ng tamang pagpapatupad ng mga batas na may paggalang sa karapatang pantao ng bawat akusado”, ani PCol Soliba.
Source: Batangas Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Donabel Dulin