Northern Samar – Nakiisa ang mga tauhan ng Northern Samar Police Provincial Office sa ika-12 Kauswagan Caravan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Northern Samar sa Brgy. Cabacungan, Allen, Northern Samar nitong Huwebes, Setyembre 15, 2022.
Pinangunahan ng Northern Samar PPO sa pamumuno ni Police Colonel Alfredo J Tadefa, Acting Provincial Director kasama ang First Northern Samar Provincial Mobile Force Company, Allen Municipal Police Station at 803rd Infantry Brigade ang security assistance sa Kauswagan Caravan na pinamumunuan ni Gov. Edwin Marino Ongchuan.
Nag-alok naman ang mga kapulisan ng libreng gupit, mga bibliya, IEC materials patungkol sa anti-illegal drugs and terrorism, at naglagay rin ng assistance desk sa naturang lugar.
Kabilang pa sa nakilahok sa aktibidad ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno at kinatawan ng mga pribadong sector.
Ang Kauswagan Caravan ay bahagi ng Retooled Community Support Program – isang umbrella program sa ilalim ng Executive Order No. 70 na nag-institutionalize sa whole-of-nation approach para wakasan ang Local Armed Conflict (ELCAC) sa bansa.
Ang programang ito ay naglalayong pagsamahin ang mga programa at pagsisikap ng pamahalaan sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng mga sektor at komunidad sa mga pinakamalayong barangay sa lalawigan.
Tinitiyak ng Northern Samar PNP katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at iba pang pribadong sector na patuloy sa maghahatid ng serbisyong pampubliko ng may malasakit at pagmamahal sa mamamayan.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez