Lamitan City – Nagsagawa ng Coastal Clean-up ang mga tauhan ng 3rd Regional Mobile Force Company ng RMFB BASULTA sa Calugusan Beach, Brgy. Calugusan, Lamitan City, Basilan noong ika-13 ng Setyembre, 2022.
Ayon kay Police Captain Kiefer Dean Beray, Company Commander ng 3rd RMFC-RMFB BASULTA, ang programa ay kaugnay ng pagdiriwang ng International Coastal Clean-up Day 2022.
Ang aktibidad na ito ay pinasimulan ng Lamitan City Environment and Natural Resources Office (CENRO) katuwang ang mga opisyal ng Barangay Calugusan katuwang ang mga tauhan ng 3rd RMFC-RMFB BASULTA, 53rd Special Action Company ng Special Action Force, 1st Provincial Mobile Force Company, Philippine Coast Guard, Lamitan City Police Station at iba pang Advocacy Support Groups.
Layunin ng aktibidad na itaas ang kamalayan ng publiko sa marine pollution at makatulong sa pagbawas ng mga basura sa karagatan.
Dagdag pa, isa rin itong paraan upang hikayatin ang komunidad na aktibong makibahagi sa pagprotekta sa ating karagatan at sa kapaligiran.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz