Puerto Princesa City, Palawan – Isang miyembro ng Communist Terrorist Group ang kusang sumuko sa mga tauhan ng Puerto Princesa Police Office sa Puerto Princesa City, Palawan noong Setyembre 14, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Roberto Bucad, Acting City Director ng Puerto Princesa City Police Office, ang sumuko na si “Ka Dexter”, miyembro ng Bienvenido Valleber Command Communist Terrorist Group.
Ayon kay PCol Bucad kusang sumuko si Ka Dexter kasama ang isang short firearm (home made revolver) sa pamamagitan ng pinaigting na kampanya ng Puerto Princesa City Police Office kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan laban sa mga komunistang terrorista.
Ayon pa kay PCol Bucad kwento ni Ka Dexter madali umano syang nahikayat na umanib sa makakaliwang grupo sa pamamagitan ng paggamit sa issue ng gold panning kasabay ang mga pangakong susuportahan ang pinansyal na pangangailangan ng kanilang pamilya, ngunit taliwas umano rito ang naranasan ng kanilang pamilya sa halip ay hirap at gutom ang dinanas ng mga ito. Maging sila ay dumanas rin ang hirap at gutom sa kabundukan.
Dagdag pa ni PCol Bucad, dahil sa mga karanasan ni Ka Dextex ay napag-isip isip nitong magbalik-loob sa pamahalaan, nakita rin nito ang magagandang programang ipinagkakaloob ng pamahalaan sa mga nagbabalik-loob sa pamahalaan.
Ayon pa kay Ka Dexter, “wala ng mas sasarap pa sa pakiramdam na makasama ang mga mahal sa buhay at ang mamuhay ng may kapayapaan at katahimikan ng puso”.
Samantala, pinuri naman ni Police Colonel Bucad ang pagsisikap ng City Mobile Force Company at iba pang yunit ng pulisya at militar, kabilang ang komunidad, sa nasabing accomplishment at muling iginiit ang kanyang panawagan para sa mapayapang pagsuko ng mga natitirang miyembro ng CTG sa Puerto Princesa City at lalawigan ng Palawan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus