General Santos City – Isinagawa ng Police Regional Office 12 ang Opening Ceremony ng kursong Police Community Affairs and Development Course (PCADC) sa Gymnasium, PRO 12, Tambler, General Santos City nitong ika-14 ng Setyembre 2022.
Pinangunahan ni PCol Gilberto B Tuzon, OIC Regional Community Affairs and Development Division 12 ang Opening Ceremony na nilahukan ng 50 personnel na binubuo ng mga PCO at PNCO ng Police Regional Office 12.
Kasama ang Regional Learning Doctrine Development Division sa pamumuno ni PLtCol Roland Allan A Peñaverde at ang Regional Special Training Unit 12 sa pamumuno ni PCol Jerone Orville P Panganiban.
Ang nasabing kurso ay naglalayon na bigyan ang mga kalahok ng karagdagang mga kasanayan at kaalaman sa pakikipagtulungan sa mga iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga pribadong grupo at sa ating komunidad upang mahasa ang kanilang mga kakayahan upang magbigay ng mas mahusay na serbisyo sa ating komunidad.
Nagpahatid naman si PBGen Jimili L Macaraeg, Acting Regional Director, PRO12 ng kanyang mensahe na “Education is a good investment indeed because it is the asset that profert happens in a life time”.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo