Isabela – Masayang pinilahan ng mga batang residente ng Barangay Poblacion 3, Santa Maria, Isabela ang isinagawang feeding program ng Santa Maria Police Station noong Setyembre 11, 2022.
Ayon kay Police Captain Ericson B Aniag, Acting Chief of Police sa naturang istasyon, layon ng aktibidad na makatulong sa mga lubos na nangangailangan sa kanilang lugar at ilapit ang loob ng mga bata sa mga kapulisan.
Liban dito ay namahagi rin ng mga face mask sa mga benepisyaryo at nagkaroon ng talakayan tungkol sa mga paraan upang maiwasan ang mga sakit katulad ng COVID-19 at dengue.
Naging katuwang ng mga miyembro ng istasyon ang Alpha Kappa Rho – Advocacy Support at mga opisyal ng Barangay.
Pinuri ni Police Colonel Julio R Go, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office ang mga miyembro ng Santa Maria PS sa pagpapakita ng malasakit sa kapwa na alinsunod sa Community and Service-Oriented Policing (CSOP) upang mapatibay ang ugnayang Pulis at komunidad tungo sa kapayapaan at kaunlarang ng bansa.
Source: Santa Maria PS
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi