Davao City – Arestado ang isang lalaki sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie operation ng tauhan ng Bunawan PNP sa Purok 1 Brgy. Bunawan, Davao City noong Setyembre 12, 2022.
Kinilala ni PMaj Milan Naz, Station Commander ng Bunawan Police Station, ang suspek na si alyas “Samuel”, 79, residente ng Purok 4 Bunaply, Brgy. Bunawan Davao City na tinaguriang Top 2 MWP sa Regional level.
Ayon kay PMaj Naz, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong 5 Counts ng Rape.
Ang pagkakadakip sa suspek ay resulta ng magandang ugnayan at pagmamalasakit ng mamamayan at kapulisan sa komunidad na magdadala sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara