Zamboanga City – Isinuko ng isang concerned citizen ang isang loose firearm sa isinagawang Oplan Paglalansag Omega ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga City Field Unit sa Camp EB Batalla, JRT Lim Blvd, Zamboanga City nito lamang Linggo, Setyembre 11, 2022.
Ayon kay Police Colonel John Francis Encinareal, Regional Chief ng Criminal Investigation and Detection Group Zamboanga City Field Unit, ang isinukong baril ay pagmamay-ari ni Hon. Richard E. Bardenas, 50, Barangay Kagawad at residente ng Malagutay, Zamboanga City.
Ayon pa kay PCol Encinareal, ang naturang baril ay isang yunit na 12 gauge shot gun na may serial number 417, isang magazine assembly ng 12 gauge shot gun at dalawang pirasong shot gun ammunition na walang legal na dokumento.
Ang Pambansang Pulisya ay patuloy sa mandato na ipatupad ang batas at siguraduhin ang kaligtasan ng mamamayan.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong