San Vicente, Tarlac City – Isinagawa ang Community Outreach Program ng Police Regional Office 3 sa Camp Macabulos, San Vicente, Tarlac City nito lamang Biyernes, Setyembre 9, 2022.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Brigadier General Cesar Pasiwen, Acting Regional Director ng Police Regional Office 3, kasama ang mga miyembro ng Foreign National Keepers Network.
Tinatayang 250 na Indigenous Peoples (IPs) ang nabigyan ng pares ng tsinelas, dressed chicken, longganisa, noodles at canned goods.
Ang aktibidad ay kaugnay sa CPNP’s Peace and Security Framework na Malasakit + Kaayusan+ Kapayapaan= Kaunlaran.
Ang Police Regional Office 3 ay patuloy na magbibigay ng magandang serbisyo at tulong sa mamamayan tungo sa kaunlaran.
Source: Tarlac PNP
Panulat ni Police Corporal Jeselle Rivera