Tanudan, Kalinga – Nakiisa ang Tanudan PNP sa pamamahagi ng relief goods sa mga residente ng Lubo, Tanudan, Kalinga nito lamang ika-10 ng Setyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng mga tauhan ng Tanudan Municipal Police Station sa ilalim ng liderato ni Police Captain Manuel Sabado, Chief of Police ng Tanudan Municipal Police Station.
Ang mga relief goods ay mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Tanudan na pinangunahan ni Mrs Violly Awingan.
Ipinamahagi ng nasabing grupo ang 424 Family Food Packs at 212 pirasong hygiene kits sa mga residente.
Labis naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na hatid ng Tanudan PNP at DSWD-Tanudan.
Layunin ng aktibidad na matulungan ang mga mamamayang higit na nangangailangan at mapagtibay ang ugnayan ng PNP at komunidad upang maging kaisa sa pagpapanatili ng kapayapaan at seguridad sa ating bansa.
Source: Tanudan Municipal Police Station
Panulat ni Patrolwoman Febelyne Codiam