Basilan – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang mga tauhan ng 3rd Regional Mobile Force Company ng RMFB BASULTA sa Brgy. Upper Bato-Bato, Akbar, Basilan noong ika-10 ng Setyembre 2022.
Ayon kay Police Captain Kiefer Dean Beray, Company Commander ng 3rd RMFC, aabot sa 100 na bata ang aktibong lumahok sa aktibidad tulad ng basic literacy skills training, storytelling, games, drawing, coloring, libreng gupit at libreng pagkain.
Dagdag pa, hinikayat din ang mga magulang na unahin ang edukasyon ng kanilang mga anak at tinuruan din sila sa mga karapatan ng mga bata.
Ang naturang aktibidad ay kaugnay sa security framework ni Police General Rodolfo Azurin Jr., Chief, Philippine National Police, na tinaguriang Malasakit, Kaayusan at Kapayapaan= Kaunlaran.
Katuwang din sa aktibidad ang mga tauhan ng 53rd Special Action Company ng Special Action Force, Aligado Foundation, 1st Provincial Mobile Force Company, Basilan Police Provincial Office, Akbar Municipal Police Station, 18th Infantry Battalion, Philippine Army, at Student Action Force Lamitan City Chapter.
Ang PNP ay patuloy na magbibigay malasakit sa kanilang nasasakupan lalong-lalo na sa mga kababayan nating kapus-palad.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz