Zamboanga City – Nasabat ang tinatayang Php315,000 na halaga ng smuggled cigarettes sa isinagawang Checkpoint Operation ng Zamboanga City PNP sa Gov. Ramos Ave., Brgy. Santa Maria, Zamboanga City nito lamang Sabado, Setyembre 10, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Alexander Lorenzo, Acting City Director, Zamboanga City Police Office, ang suspek na si Mhedzfar Malali Usman, 31, may asawa at residente ng Bgry. San Jose, Guzu, Zamboanga City.
Ayon kay PCol Lorenzo, bandang 5:30 ng hapon nang nahuli ang suspek sa naturang barangay ng mga operatiba ng Zamboanga City Police Office-Station 7 at Bureau of Customs.
Nasabat sa suspek ang siyam na kahon ng Bravo kulay pula na tinatayang nagkakahalaga ng Php315,000 at isang kulay brown na Suzuki Mini-Van na may Plate No. JAG 3576.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 1401 (Unlawful Importation or Exportation) ng RA 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).
Ang Pambansang Pulisya ay nagpapaalala sa mamamayan na huwag gumawa ng ano mang ilegal na gawain o aktibidad upang hindi humantong sa pagkakakulong.
Panulat ni Patrolman John Ronald Tumonong/RPCADU 9