Brgy. 18, Caloocan City — Tinatayang Php6.2 milyong halaga ng umano’y marijuana ang nasabat sa isang suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Caloocan City Police Station nito lamang Biyernes, Setyembre 9, 2022.
Kinilala ni Police Colonel Ponce Rogelio l Peñones Jr, Acting District Director ng Northern Police District, ang suspek na si Jenny Roy Dayrit (NMN) alyas “Jeroy”.
Ayon kay PCol Peñones, naaresto si Dayrit bandang 6:00 ng umaga sa Brgy. 18, Caloocan City ng mga operatiba ng OCOP-SDEU ng Caloocan CPS at 3rd MFC ng RMFB-NCRPO.
Ayon pa kay PCol Peñones, matagal na nilang minamanmanan ang suspek na nagbabagsak ng marijuana sa iba’t ibang lugar sa Caloocan at mga karatig lungsod.
Nakumpiska kay Dayrit ang humigit-kumulang 52 kilo ng hinihinalang marijuana na may halagang Php6,240,000.
Mahaharap si Dayrit sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Sinisiguro ng NPD na makakaasa ang mga mamamayan na tuloy-tuloy ang pagsugpo sa ilegal na droga at mapanagot sa batas ang mga sangkot dito upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lungsod ng Caloocan.
Source: Caloocan PS React
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos