Malaybalay City, Bukidnon – Arestado ang isang magsasaka sa kasong Robbery sa isinagawang operasyon ng Malaybalay PNP sa Magsaysay Street, Brgy. 2, Malaybalay City, Bukidnon nito lamang Miyekules, Setyembre 7, 2022.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Ritchie Salva, Chief of Police ng Malaybalay City Police Station, ang suspek na si Junrey Diaray, 22, magsasaka at residente ng Sitio Menlonga, Barangay Buntongon, Imapasug-ong, Bukidnon.
Ayon kay PLtCol Salva, naaresto ang suspek bandang 2:28 ng madaling araw ng mga tauhan ng Malaybalay City Police Station sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Robbery.
Patuloy ang Malaybalay PNP sa paghuli sa mga Wanted Person na may pananagutan sa batas para mapanatiling tahimik at ligtas ang kanilang nasasakupan.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU 10