Leyte – Masigasig na nakiisa ang mga tauhan ng Alangalang Municipal Police Station sa isinagawang outreach program sa Brgy Peñalosa, Alangalang, Leyte nito lamang Sabado, Setyembre 10, 2022.
Nagpaabot ng tulong ang Alangalang MPS sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Captain Joshua Bien M Chiquillo, Acting Chief-of-Police.
Ang aktibidad ay inisyatibo ng Lord Jesus Our Redeemer sa pamamagitan ni Bro. Ferdinand Garcia, Alangalang MPS Life Coach at Beverly Brothers Foundation Inc. katuwang ang Alangalang Municipal Advisory Group for Police Transformation at Development (MAGPTD) sa pamumuno ni G. Joel B. Ranes- MAGPTD Chairman (Academe Sector).
Sa kabuuan ay mayroong 25 na mga bata ng naturang barangay ang nabigyan ng mga libro, laruan at gamit pang-eskwela.
Samantala, tinalakay naman ni PMSg Merian V Garcia, WCPD PNCO ang karapatan ng mga bata at RA 8353 o ang Anti-Rape Law.
Ang aktibidad ay alinsunod sa programang KASIMBAYANAN (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan) at sa ilalim ng peace and security framework program ni CPNP na “MKK=K: Malasakit, Kaayusan, Kapayapaan at Kaunlaran”.
Ang Pambansang Pulisya ay laging handang tumulong at magbigay serbisyo upang makamtan ang kaayusan at kapayapaan sa ating bansa.
Panulat ni Patrolwoman Rialyn B Valdez